|
Q.
Pano ko po malalaman kung legal at may job order ang inaplayan
kong
ahensya?
A. Tumawag muna sa POEA upang malaman
kung legal ba at may
Job order ba ang
inaplayan mong trabaho sa Taiwan.
Q.
Magkano po ba ang legal
na dapat kong bayaran bilang placement fee
sa ahensya kong inaaplayan?
A. Ung katumbas
lamang ng iyong isang buwang sweldo
ang dapat mong
bayaran bilang placement
fee at siguraduhing may ibibigay sa iyong
resibo sa anumang babayaran
mo.
Q. Ano-ano pa po ba ang mga dapat ko
pang bayaran bago ako makaalis
Patungong Taiwan.?
A. Bukod sa kabayaran mo sa processing ng iyong kontrata, siguraduhin mo
Nakabayad ka ng OEC at OWWA
membership bago ka umalis.
Q. Ano po ba ang mga dapat kong gawing paghahanda bago ako tuluyang
Magtrabaho sa Taiwan?
A. Siguraduhing maka attend ka ng Pre-departure
Orientation Seminar
(PDOS) upang magkaroon ka
ng ideya ukol sa kultura, batas, alituntunin
ng bansa mong pupuntahan
at siguraduhing may kopya ka ng kontrata at
nabasa mo itong mabuti bago
ka umalis.
Q. Ano naman po ang mga dapat kong tandaan at gawin kung ako ay
Nagtratrabaho na sa Taiwan.?
A. Dapat mong malaman
ang lugar kung saan ka nagtratrabaho, kung sino
Ang iyong employer, broker
pati na ang mga contact number nito. Dapat
ding alamin mo ang mga numero
ng mga ahensya alam mong makaka-
tulong sa iyo sa panahon
ng problema tulad ng MECO, CLA atbp.
Q. Halimbawa naman pong nakaranas ako ng pagmamaltrato ng aking
Employer o kaya naman po
ay hindi ako napasahod ng ayon sa aking
Kontrata o kaya po masyadong
malaki ang ibinabawas sa akin ano ang
aking dapat gawin?
A. Mangyaring ipaalam agad sa iyong broker
o kung di man ay sa MECO
upang matugunan agad ang
iyong suliranin. Siguraduhing mo ding
lahat
ng makukuha mong sweldo o
anumang kabayaran gayun din ung mga
ibinabawas sa iyo ay may
kopya ka ng payroll o payslip.
Q.
Maaari po ba ako sumingil ng overtime pay sa aking employer
kasi po di
Ako nababayaran ng overtime pay.?
A.
Oo, may karapatan kang maningil ng overtime pay sa iyong amo
sang-
ayon sa bilang
ng oras na iyong pinagtrabaho.
Q. Gusto ko po sana magkaroon ng leave pero hindi po ako pinapayagan
ng
aking amo, may karapatan ba ako nag mag leave?
A.
Oo may karapatan
kang mag leave ng isang araw tuwing ika-pitong araw
ng iyong pagtatrabaho.
Q. Ano po ba ang dapat kung gawin kung sakali na ang aking employer
ay
may mga hindi nasusunod sa aming pinirmahang kontrata?
A. Maaari kang magsampa ang reklamo laban sa iyong employer kung
alam mo na may mga nasira o nalabag syang kasunduan sa inyong
kontrata.Hindi ka rin nya
maaaring tanggalin, ilipat o parusahan kung
sakali mang sya ay iyong
ireklamo.
Q.
Ang akin pong passport at ARC ay nasa aking broker. Tama po
ba ito?
A.
Hindi. Ang iyong passport at ARC ay dapat nasa iyo sa lahat
ng pagkaka-
taon.
Q.
Halimbawa pong magkasakit ako habang nagtatrabaho
ako dito sa Taiwan,
ano po ba ang aking mga karapatan?
A.
Bawat manggagawa dito sa Taiwan may
karapatan sa “sick leave”. Kung
hindi ka naman nahospital, dapat ay hindi lumagpas sa 30 araw
ang iyong
sick leave sa loob ng isang
taon. Kung ikaw naman ay mahospital
kailangan wag din itong lumampas
ng isang taon.
Q. Matatapos na
po aking kontrata sa susunod na buwan, gusto ko po sanang
makabalik pa at makapagtrabaho pang muli dito. Ano po ba ang
dapat
kong gawin?
A.
Kung mahihikayat mo ang iyong employer ngayon na kunin kang
muli,
Maaari mo syang hikayatin na idaan ka sa programang
SHPT o direct
hiring sa gayong paraan hindi mo na kailangan pang dumaan sa
recruitment agencies sa Pilipinas
|